^

Bansa

2,000 OFWs hiling kalampagin ang US employer sa non-payment ng benepisyo

-
Hiniling kahapon sa pamahalaang Arroyo ng 2,000 overseas Filipino workers na namamasukan sa kompanya ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan na kalampagin ang Bush-Cheney Administration para maibigay sa kanila ang US$ 609 milyon bilang benepisyo sa pagreretiro.

Ang kahilingan ay ipinaabot sa National Labor Relations Commission (NLRC) makaraang magdaos ng mapayapang demonstrasyon ang mga OFW na naging trabahador ng US Brown & Root Co., isa sa malahiganteng kompanya ng Halliburton Group na nakabase sa Middle East.

Kabilang sa umapela sa Arroyo administration para mabayaran ang lahat ng benepisyong hindi pa natatanggap sa ilalim ng US Social Security System sina Eduardo Espiritu, Maximo Talibsao, Delfin Victoria, Espiritu Munoz, Victorino Buan, Romeo Macaraig, Donato Evangelista, Oscar Austria, Moises Amutan, Ed Malapitan, Pedro "Pete" Salgatar, Juling Macatangay, Leonida Munoz Rico at Rosalina Constantino.

Ang 2,000 OFWs na trabahador simula pa noong 1984 ng nabanggit na kompanya ay may karapatang tumanggap ng benepisyo mula sa US Social Security System dahil sila ay kinaltasan ng premium payments at contributions.

Ayon kay OFWs lawyer Gerardo del Mundo, ang US social security benefits ay bahagi ng labor standards benefits kaya dapat na bayaran at ipadala sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)

BUSH-CHENEY ADMINISTRATION

DELFIN VICTORIA

DONATO EVANGELISTA

ED MALAPITAN

EDUARDO ESPIRITU

ELLEN FERNANDO

ESPIRITU MUNOZ

ESTADOS UNIDOS

GITNANG SILANGAN

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with