^

Bansa

Atty. pinadi-disbar sa panggigipit sa ambassador

-
Nakatakdang sampahan ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang isang abogado na sinasabing nagprisinta ng mga ‘fabricated documents’ sa Bureau of Immigration para gipitin ang dating ambassador ng Pilipinas sa bansang Laos.

Ayon kay Apolinario Salazar, tagapagsalita ni Ambassador Antonio Cabangon Chua, marapat lamang umanong tanggalan ng lisensiya si Atty. Nympha Mandangan para matigil na ang ginagawa nitong harrasment sa dating opisyal.

Sinabi ni Salazar, pineke umano ni Atty. Mandangan ang birth certificate ni Chua at marriage certificate ng mga magulang nito na sina Chu Guay at Dominga Cabangon para lamang palabasin na hindi Filipino citizen ang dating ambassador.

Si Mandangan ay nag-file ng ‘petition to deport’ kasabay ng paghahain ng mga huwad na dokumento sa tanggapan ni BI Commissioner Alipio Fernandez. Kasama ni Mandangan sina Ma. Teresa Gallego, Claire Pique, Corazon Songco at dating live-in partner ng ambassador na si Catherine Songco. Ani Salazar, nagsimula ang harrasment ni Mandangan noong makipaghiwalay si Chua kay Songco. (Ulat ni Mer Layson)

AMBASSADOR ANTONIO CABANGON CHUA

ANI SALAZAR

APOLINARIO SALAZAR

BUREAU OF IMMIGRATION

CATHERINE SONGCO

CHU GUAY

CHUA

CLAIRE PIQUE

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ

CORAZON SONGCO

MANDANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with