Licuanan,bagong SBMA chairman
September 29, 2004 | 12:00am
Pinalitan ni Francisco Licuanan, presidential adviser on Subic and Clark Development Authority, ang nagbitiw na si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Felicito Payumo.
Si Licuanan ay hinirang ni Pangulong Arroyo matapos itong bumisita kahapon sa Clark Air Base.
Inihayag rin ng Pangulo ang pagtatalaga kina Freddie Antonio bilang administrator ng SBMA at Jose Calimlim bilang presidente ng SBMA Freeport Services bukod pa sa pagiging chief security ng SBMA.
Sa Oktubre 14 pa matatapos ang termino ni Payumo pero minabuti niyang boluntaryong magretiro ng maramdamang hindi na palalawigin pa ang kanyang panunungkulan sa SBMA.
Anim na taong nanungkulan si Payumo sa SBMA mula nang italaga sa puwesto ni dating Pangulong Joseph Estrada. Bago ito ay nanilbihan din siya ng 12 taon bilang Bataan congressman. (Ulat nina Lilia Tolentino/Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended