Ayon kay Sen. Osmeña, ang merger ng dalawa ay magiging matatag dahil magkakaroon ng check and balance ang dalawang ahensiya.
Iniharap ni Osmeña ang kanyang rekomendasyon sa patuloy na pagdinig ng Senate committee on finance na pamumunuan ni Sen. Manny Villar, Jr. at sa harap ng mga economic managers ng gobyerno.
Sinabi pa ng senador na kaya matatag pa rin ang GSIS sa ngayon ay dahil sa malaki ang monthly premium na nakukuha nito sa 21 porsiyento kumpara sa 9 porsiyento lamang ng SSS.
Tinukoy ni Osmeña na mismanagement ang problema ng SSS dahil na rin sa walang humpay na biyahe ng chairperson nitong si Corazon dela Paz.
Mayroong P312 bilyong asset ang GSIS, samantala P171-B ang sa SSS at nahaharap pa ito sa deficit na P1.4 Trilyon sa mga darating na taon dahil sa hindi mabayarang pensiyon ng mga SSS members. (Ulat ni Rudy Andal)