Pilipinas niyanig ng lindol
September 17, 2004 | 12:00am
Niyanig ng magkakasunod na lindol na naitala sa intensity 4 ang ibat ibang bahagi ng Pilipinas kahapon ng madaling araw habang nagbabala naman ang mga opisyal na posibleng magkaroon ito ng mga aftershocks sa iba pang dako ng bansa sa susunod na mga araw.
Sa nakalap na report kahapon sa tanggapan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), dakong alas-3 ng madaling araw ng maramdaman ang lindol na may magnitude na 6.2 sa Richter scale na isang tectonic ang uri o mula sa lupa na sanhi ng paggalaw ng Manila Trench.
Natukoy naman sa bayan ng Balanga, Bataan ang epicenter ng naturang lindol.
Ayon sa NDCC, naramdaman din ang intensity 4 sa Mariveles, Bataan; Subic, Zambales, Clark Air Base sa Pampanga at Metro Manila.
Naitala naman ang intensity 3 sa Quezon City, Tagaytay City sa Cavite; Lucban at Infanta, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Baguio City; Batangas; Malolos at Sta. Maria, Bulacan at mga lungsod ng Marikina, Las Piñas, Makati, Taguig at Caloocan sa Metro Manila.
Bandang alas-3:55 naman ng madaling araw ay naramdaman ang intensity 4 sa General Santos City .
Ayon sa ulat, ang pagkasira ng Sangihe slab sa Southern Mindanao ay bunga naman ng magnitude 5.2 tremor ng Davao Trench.
Wala namang naiulat na nasugatan at naging pinsala sa dalawang magkahiwalay na lindol.
Ang lindol ay halos kasabay naman ng naganap ring paglindol sa bansang Indonesia. (Ulat nina Angie dela Cruz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended