Ayon sa source, isang alyas Arnel ang kabi-kabilang nanghihingi ng intelihensiya sa mga beerhouse sa Pasay City, Parañaque City, Makati, Las Piñas, Muntinlupa, Pateros at Taguig.
Bukod dito, si Arnel din umano ang ipinagmamalaki ng mga gambling lord kaya hindi nagagalaw ang mga illegal na pasugalan sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Maliban sa jueteng, patong din umano si Arnel sa bookies ng karera ng kabayo, loteng, bookies ng jai-alai, perya at sakla.
Dahil dito, nananawagan ang ilang pulis sa SPD na paimbestigahan sa lalong madaling panahon si Arnel dahil ipinagmamalaki umano nito na ang ginagawa nitong pangongotong ay may basbas ni Gen. Garcia. (Ulat ni Lordeth Bonilla)