Gov’t employees libre sakay sa LRT at MRT sa Sept. 19, 20

May palibreng sakay sa MRT at LRT ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno sa ika-104 taong pagdiriwang ng Philippine Civil Service.

Ang free LRT ride ay sa September 19 mula alas-5 ng umaga hanggang last trip sa gabi. Sa MRT naman ay Sept. 19-20 sa kaparehong oras.

Sinabi ni CSC chairperson Carina David, upang makalibre sa ride sa LRT at MRT kailangan lamang pakita ng mga gov’t workers sa entrance guard at entrance staff ang kanilang government ID.

Sa Sept. 19 din, libre pumasok ang mga gov’t employees sa National Museum at Fort Santiago; Sept. 19 at 20 sa Manila Zoo, Paco Park, Ninoy Aquino Parks and Wildlife, Hinulugang Taktak sa Antipolo City, Rizal Park playgrounds kasama na ang Japanese at Chinese Gardens. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments