Palasyo nalalagasan ng mga opisyal
September 16, 2004 | 12:00am
Nilinaw ng Malacañang na hindi isang pagtalikod sa administrasyon ang serye ng pagbibitiw sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nagkataon lang anya ang sunud-sunod na pagbibitiw na isinagawa ng ilang opisyal na bunsod ng mga personal na kadahilanan.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Bunye kasunod ng mga ulat na ang mga resignation na ginawa ng ilang opisyal ay isang senyales na wala na silang suporta sa administrasyon.
"We may lose some of the highly qualified and competent officials but the government will never run out of bright minds and equally high-caliber performers to fill up the posts vacated," ani Bunye.
Kabilang sa mga nagbitiw na sa puwesto kamakailan lamang ay sina National Treasury Mina Figueroa, Napocor president Roger Murga, PCGG Commissioners Victoria Avena at Ruben Caranza, Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante at Professional Regulation Commission Chairman Antonietta Ibe. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended