Pangalan ni Rep.Mikey nilinis ng Petcoa
September 15, 2004 | 12:00am
Nilinis kahapon ng pamunan ng Private Emission Testing Center Operators Association (Petcoa) ang pangalan ni Pampanga Congressman Mikey Arroyo sa usapin ng dalawang emission testing na umanoy tinulungan ng una upang makapag-operate sa kabila ng suspension order ng DOTC sa kanilang operasyon.
Sa panayam, sinabi ni Petcoa president Antonio Halili, batay sa isinagawa nilang sariling imbestigasyon hinggil sa nabanggit na isyu, walang kinalaman si Rep. Arroyo sa patuloy na pagbubukas ng R1 Emission Center at AMG Emission Center sa San Fernando, Pampanga.
Nalaman din ng Petcoa na nagmatigas na gamitin ng naturang mga emission center ang pangalan ni Arroyo upang maipagpatuloy ang operasyon sa kabila ng suspension order.
Ang R1 at AMG emission centers ay paso na ang authorization para makapag-operate ng negosyo.
Una nang nagbanta si Arroyo na mananagot sa kanya ang mga taong gagamit ng kanyang pangalan laluna sa ganitong uri ng usapin dahil walang sinuman ang kanyang pinapayagan na gamitin siya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest