Sen. Jamby nilalayasan ng mga tauhan
September 15, 2004 | 12:00am
Dalawa pang empleyado ni Sen. Jamby Madrigal ang nakatakdang iwanan siya matapos hindi na umano makayanan ang "unpredictable" na ugali na ipinapairal ng aristokratang mambabatas.
Napag-alaman ng PSN na napilitan ang dalawang kawani na magresign na lamang sa kanilang trabaho bilang staff ni Sen. Madrigal dahil sa hindi na nila umano matagalan ang sistemang pinapairal ng senadora.
Nakatakdang magbitiw sa araw na ito si Samantha Blanche na tumatayong deputy chief of staff ni Madrigal habang may iba pang empleyado ang susunod na aalis sa naturang tanggapan.
Magugunita na iniwan na rin si Madrigal ng kanyang mga naging PR consultants na sina Ricky Alegre at Peter Sing. Kinasuhan pa ni Madrigal si Sing ng estafa kamakailan.
Sinibak naman ni Madrigal kamakailan ang kanyang naging lady chief of staff pati ang kanyang close-in photographer na si Ric Nicolas na nagsilbi dito mula noong tumakbo itong senador noong 2001 hanggang sa manalo ito noong 2004. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended