^

Bansa

Suweldo ng GOCCs execs milyones

-
Ibinunyag kahapon sa Senado na tumatanggap ng milyones na suweldo at allowances ang mga executives ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs) sa kabila ng paghihirap ng pamahalaan sa pondo.

Sa isinumiteng dokumento ni Budget Secretary Emilia Boncodin kay Sen. Manuel Villar Jr., chairman ng Senate committee on finance, hinggil sa top 100 executives na sumusuweldo ng malaking halaga, nabunyag na si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Ma. Livia Singson de Leon ang topnotcher noong 2001 sa kinubrang P9.8 milyong suweldo at benepisyo samantalang noong taong 2002 ay si Sergio Apostol, chairman at president ng Phil. National Oil Company (PNOC) ang kumita ng P9.2 milyong suweldo at benepisyo.

Dahil dito ay iginiit ni Sen. Villar ang pagtapyas ng sahod ng top executives ng GOCC, GFIs at tanggalin na ang mga puwestong hindi naman napapakinabangan ng pamahalaan. Naniniwala si Villar na kaya nagtaasan ang suweldo ng executives na ito ay dahil hindi sila sinasakop ng salary standardization law.

Dahil sa pang-aabuso ng executives ng GOCCs at GFIs sa hindi nila pagkakasali sa salary standardization law, pinag-iisipan ng senador na rebyuhin ang nasabing batas upang maisama ang suweldo at benepisyo ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BUDGET SECRETARY EMILIA BONCODIN

DAHIL

IBINUNYAG

LIVIA SINGSON

MANUEL VILLAR JR.

NANINIWALA

NATIONAL OIL COMPANY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

RUDY ANDAL

SERGIO APOSTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with