^

Bansa

Foreign escort girls, ipatatawag ng Senado!

-
Bukod sa mga Pinay escorts, ipatatawag rin ng Senado ang mga foreign escort girls sa isasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa nasabing kontrobersiya.

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources, hiniling ni Sen. Jamby Madrigal na isama sa ipatawag ng komite ang sinasabing mga Russian at Venezuelan na nagsisilbi ding mga escort service.

Sinabi ni Estrada na mauuna na isalang sa imbestigasyon bukas ng umaga ng kanyang komite ang kontrobersyal na si Ms. Keanna Reeves na umaning naging escort girl ng mga matataas na pulitiko at mayayamang negosyante.

Ipinaliwanag ni Jinggoy na kahit tukuyin sa isasagawang imbestigasyon ang mga tinaguriang "Spice Boys" ng Kongreso na naging kliyente ng mga escort girls ay hindi nila puwedeng ipatawag ang mga ito dahil na rin sa inter-parliamentary courtesy.

Gayunman, iginiit ni Jinggoy na maaaring isalang ang sinumang miyembro ng Kongreso sa imbestigasyon kung sila ay "ikakanta" ng mga inimbitahan ng komite na kabilang sa naging kliyente ng mga escort girls. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUKOD

JAMBY MADRIGAL

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

KONGRESO

MS. KEANNA REEVES

RUDY ANDAL

SPICE BOYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with