^

Bansa

Forensic results sa Aquino-Galman double murder, ipalalabas ng PAO

-
Pursigido at mas determinado ngayon ang Public Attorneys’ Office (PAO) na isulong ang muling pagdinig sa assassination case kina dating Senador Benigno Aquino Jr., at Rolando Galman noong Agosto 21, 1983 matapos lumabas na ang resulta sa ginawang pag-aanalisa sa kaso ng mga forensic experts.

Ayon kay Atty. Persida Rueda-Acosta, hepe ng PAO, dapat niyang ipursige ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para mabuksan muli ang nasabing kaso.

Handa na ring ilabas sa publiko ng mga accredited group of forensic medicine experts ng Department of Health (DOH) ang resulta ng naging pag-aaral ng mga ito sa kaso.

Sinabi pa ni Acosta na pumababor ang naging resulta ng pagtukoy ng mga forensic experts sa mga testimonya ni convicted killers at dating sundalo na si Pablo Martinez, ng binuwag na Aviation Security Command (AVSECOM).

Kabilang sa mga nakitang may kaugnayan sa findings ang pahayag ni Martinez na nagsasangkot kina Danding Cojuangco, Herminio Gosueco at dalawa pang opisyal nito sa AVSECOM.

Partikular na tinukoy sa 4-pahinang affidavit ni Martinez ang pagkakabaril ni Galman kay Aquino mula sa likuran na tumama sa kaliwang bahagi ng ulo ng dating Senador.

Ang testimonyang ito ni Martinez ay sinuportahan ng forensic at lumilitaw na may katotohanan.

"He (Martniez) is telling the truth," paniwala ni Acosta.

Aniya, dapat na mabuksan muli ang kaso upang maitama ang nasabing misteryo at maparusahan ang nasa likod ng asasinasyon sa asawa ni dating Pangulong Cory Aquino. (Ulat ni Ludy Bermudo)

ACOSTA

AVIATION SECURITY COMMAND

DANDING COJUANGCO

DEPARTMENT OF HEALTH

HERMINIO GOSUECO

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

PABLO MARTINEZ

PANGULONG CORY AQUINO

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with