POEA, OWWA natutulog sa kaso ng mga Pinay entertainers
September 13, 2004 | 12:00am
Inutil umano ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) sa kawalan ng aksyon laban sa isang promotion agency na patuloy na nagre-recruit at nagpapadala ng mga Filipina entertainers sa Japan na puwersahang isinasadlak sa prostitusyon taliwas sa kanilang inaplayang trabaho doon.
Ayon sa mga biktima na nakabalik na sa bansa at halos magkakasunod na nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Ivestigation (NBI), ang VM Promotion & Management Corporation na pag-aari ng isang Virgilio Hipolito na may tanggapan sa No. 375 ABC, 3/F Ramagi Building, 1081 Pedro Gil St., Paco, Manila ang nagpo-proseso ng mga dokumento ng mga entertainers upang makakuha ang mga ito ng visa at nagpapadala patungong Japan.
Sinabi ng mga biktima na kasabwat sa illegal na operasyon ni Hipolito ang mag-asawang Hapones na sina Tatsuhiko Ogata, pangulo ng OJ Planning Inc., at si Junko Ogata, pawang may pinatatakbong club at salon sa Japan.
Nabatid na halos buwan-buwan ay nagpapadala ng mga kabataang babae si Hipolito sa Japan na pinapangakuan ng trabaho bilang mga dancers at singers subalit sila umanoy nasasadlak sa prostitution. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Ludy Bermudo | 22 hours ago
Recommended