Si UBFHAI president Carmelo Valera ng #37 Pilar Banzon St., BF Homes, Phase 5, Parañaque City ay mananagot din sa findings ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagrekomenda ng preliminary investigation sa Parañaque City Prosecutors Office, kaugnay ng kasong estafa na unang isinampa ng Board of Director na si Antonio Antonio.
Kabilang sa umanoy pang-aabuso ay paglabag nito sa mga direktiba ng board, kakulangan sa koleksiyon, hindi pag-remit sa anumang koleksiyon, double payment sa isang security agency, missing stickers na nagkakahalaga ng P1.699 milyon. Inakusahan din si Valera ng pang-aabuso dahil sa pag-empleyo ng tinaguriang volunteers ng walang approval ng board. Pati ang pag-apruba ng mga itinayong negosyo sa lugar na sakop ng UBFHAI ay pinasok na rin nito, gayong ang Security & Safety at Zoning committee ang dapat na namamahala sa usapin. (Ulat ni Ellen Fernando)