^

Bansa

Presidente inalisan ng 'power'

-
Nagwakas na ang umano’y pang-aabuso ng isang abogadong pangulo ng United BF Homeowners Association, Inc. (UBFHAI), nang mag-isyu ng writ of preliminary injuction at Cease and Desist order ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) laban dito.

Si UBFHAI president Carmelo Valera ng #37 Pilar Banzon St., BF Homes, Phase 5, Parañaque City ay mananagot din sa ‘‘findings‘‘ ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagrekomenda ng preliminary investigation sa Parañaque City Prosecutors Office, kaugnay ng kasong estafa na unang isinampa ng Board of Director na si Antonio Antonio.

Kabilang sa umano’y pang-aabuso ay paglabag nito sa mga direktiba ng board, kakulangan sa koleksiyon, hindi pag-remit sa anumang koleksiyon, double payment sa isang security agency, missing stickers na nagkakahalaga ng P1.699 milyon. Inakusahan din si Valera ng pang-aabuso dahil sa pag-empleyo ng tinaguriang ‘volunteers’ ng walang approval ng board. Pati ang pag-apruba ng mga itinayong negosyo sa lugar na sakop ng UBFHAI ay pinasok na rin nito, gayong ang Security & Safety at Zoning committee ang dapat na namamahala sa usapin. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANTONIO ANTONIO

BOARD OF DIRECTOR

CARMELO VALERA

CEASE AND DESIST

CITY PROSECUTORS OFFICE

ELLEN FERNANDO

HOMEOWNERS ASSOCIATION

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

INAKUSAHAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILAR BANZON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with