^

Bansa

Krisis sa tubig pinangangambahan

-
Inaasahang lalo pang madaragdagan ang mga problemang pinapasan ng mga mamamayan dahil sa nakaambang matinding krisis na idudulot ng biglaan at sobrang pagtaas ng singil sa tubig kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nitong kolektahan ng buwis ang lahat ng mga local water districts sa buong bansa.

Ito ang mga pangambang ipinahayag ng national president ng Philippine Association of Water Districts Inc. (PAWD) na si Engr. Ranulfo Feliciano kasabay ng motion for re-examination na inihain niya sa Korte Suprema.

Layunin ng mosyon ni Feliciano, general manager ng Leyte Metropolitan Water District, na muling pag-aralan kundi man tuluyang ibasura ang nauna nitong desisyon na kung saan ay nabalewala ang tax exemption privilege ng LWDs base na rin sa nasasaad sa Presidential Decree No. 198, ang batas na siyang nagbigay-daan para sa pagbubuo ng mga LWDs.

Sa nasabing desisyon ng SC, idineklara nito sa lahat ng LWDs ay government-owned and controlled corporations kaya dapat silang patawan ng buwis.

Ang ilan sa mga buwis na sisingilin sa mga LWDs ay income, franchise, corporate, at iba pang mga kauri nito maliban pa sa awtomatikong pagbibigay ng mga LWDs ng 50 porsiyento ng kita nila gaya na rin ng nasasaad sa Section 14 ng R.A. No. 7656.l

Sinabi naman ni Feliciano na kung hindi pag-aaralang mabuti ng mga mahistrado ang SC ang nasabing desisyon ay mapipilitan ang lahat ng LWDs sa buong bansa na ipasa ang responsibilidad sa mga mamamayan.

Sa tantiya ni Feliciano ay malamang magtaas ang mga LWDs ng singil sa water bills ng mahigit pa sa 200 porsiyento sa kasalukuyan nilang ipinapataw sa may 25 milyong subscribers ng LWDs.

"Wala naman kasi kaming tinatanggap na subsidy, pati equity mula sa gobyerno kaya ‘pag hindi kami nagtaas ng singil ay siguradong mauubos ang anumang resources na meron kami at ganoon din naman ay hindi namin maibibigay ang mga karampatang serbisyo na dapat naming ibigay sa mga tao," paliwanag ni Feliciano. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

CRUZ

FELICIANO

INAASAHANG

KORTE SUPREMA

LEYTE METROPOLITAN WATER DISTRICT

LWDS

PHILIPPINE ASSOCIATION OF WATER DISTRICTS INC

PRESIDENTIAL DECREE NO

RANULFO FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with