Nagbitiw na solon puwedeng kasuhan
September 11, 2004 | 12:00am
Posibleng makulong ng anim na taon si Zambales Rep. Antonio Diaz matapos itong magbitiw at abandonahin ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng nasabing lalawigan.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na hindi nagpabanggit ng pangalan, ang ginawa nitong pag-iwan sa kanyang posisyon ay sapat na upang siya ay kasuhan.
Sa ilalim ng Revised Penal Code Article 234, maaaring patawan ng arresto mayor o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon ang isang opisyal ng gobyerno na iiwan ang kanilang posisyon ng walang legal na basehan.
Hindi anya matibay na basehan at katwiran ang pagkadismaya nito sa kasalukuyang sistema ng gobyerno para iwan nito ang kanyang tungkulin.
Magugunita na nagbitiw si Diaz dahil hindi na nito masikmura ang kasalukuyang sistema ng gobyerno at hindi na kagalang-galang na maging miyembro ng Kongreso.
Pinabulaanan naman kahapon ni Diaz na ang dahilan kaya siya nagbitiw ay dahil hindi siya napiling deputy speaker.
Inamin ni Diaz na personal niyang hiningi kay Speaker Jose de Venecia ang posisyon para maging Deputy Speaker dahil pitong beses na siyang nano-nominate para sa nasabing puwesto pero hindi naman natutuloy.
Ayon kay Diaz, ipinagtataka niya kung bakit puro mga bata ang nahahalal na deputy speaker at naisasantabi ang ilang matatanda ng congressman.
Kalimitan aniya ay tatlo lamang ang tumatayong deputy speakers para sa Luzon, Visayas at Mindanao, pero hindi pa rin siya naisama kahit na ginawang dalawa ang deputy speaker for Luzon.
Ipinaliwanag naman ni de Venecia na hindi siya ang nag-assign para sa nasabing posisyon dahil ang mga tumatayong deputy speaker ay ninonomina ng kani-kanilang partido. (Ulat nina Grace dela Cruz/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended