Recomendees ni Bro. Mike, ibinasura ni GMA
September 8, 2004 | 12:00am
Naunsiyami ang maimpluwensiyang El Shaddai Charismatic Movement ni Bro. Mike Velarde sa kanilang plano na mailagay sa mahahalagang puwesto sa gobyerno ang kanilang mga tao o nominees.
Bigo na makakuha ng puwesto sina Eric Pineda, public relations officer ng El Shaddai; Mel Robles, tagapagsalita ng El Shaddai at ang manugang ni Bro. Mike na si Ma. Lourdes Doria-Velarde.
Target umano ni Pineda na masilat ang National Food Authority (NFA) bilang pinuno; si Robles ay umaasa na magiging administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA) habang si Doria-Velarde ay gustong maging General Manager ng Duty Free Philippines (DFP).
Isa umanong mayamang negosyanteng Tsino na nagmamay-ari ng media outfits at trading firms ang umanoy masugid na lumalakad para kay Doria-Velarde.
Ang LRTA na inaasam ni Robles ay nakuha ni Pacifico Fajardo, dating Kongresista nang inilagay sa LRTA noon lamang Pebrero. Ilang beses umanong dumalaw sa LRTA si Robles upang pag-aralan ang pagpapatakbo ng ahensiya dahil sa paniwala ng El Shaddai na makukuha nito ang posisyon.
Ang NFA na target ni Pineda ay hawak ngayon ni Gregorio Y. Tan, Jr., deputy administrator ng NFA bilang OIC.
Ang pagkabigo umano ng grupo na makamit ang mga puwesto ang hinihinalang dahilan kung bakit tinanggihan ni Bro. Mike ang alok ng Pangulong Arroyo na sumapi sa bagong tayong Presidential Commission on Values Formation, na inatasang gumawa ng mga panukala para mabawasan ang katiwalian, katamaran at tinawag na "patronage politics" sa pamahalaan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest