^

Bansa

500,000 katao dumagsa sa ‘Alay Lakad 2004’

-
Halos wala nang mapuwestuhan ang tinatayang may kalahating milyong participants ng "Alay Lakad 2004" nang magmartsa ang mga ito patungo sa Quirino Grandstand kahapon ng umaga.

Bandang alas-5 ng umaga nang magsimulang umusad ang mahabang pila ng participants mula sa tapat ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City at sa iba’t ibang assembly area sa Maynila ng mga nagsipagdalo sa ika-32 taong pagdaraos ng Alay Lakad na may tema ngayong taon na "Hakbang ng Bayan: Tulong sa Kabataan" para sa benepisyo ng mga out-of-school youth.

Kabilang sa mga nagsipagdalo sa pagtitipon sina Interior and Local Government Sec. Angelo Reyes, Social and Welfare Sec. Dinky Soliman, PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay, Western Police District Director Pedro Bulaong na namuno sa pagpapalaganap ng kaayusan at katahimikan sa paligid ng Quirino Grandstand, National Coordinating Commiteee Walk 2004 chairman Richard Agbayani, Kiwanis International chairman Frank Evarisco at ibang matataas na opisyal ng pamahalaan. Nagpadala naman ng kinatawan si Manila Mayor Lito Atienza na bumasa sa mensahe nito.

Nabatid na may pitong milyong out-of-school youth na ang natulungan ng Alay Lakad Foundation, Inc sa pamamahala ng Kiwanis International.

Umaabot sa 30,000-50,000 kabataan na di nakakapag-aral ang sinusuportahan ng Alay Lakad Foundation, Inc. kada taon upang makakuha ng livelihood at scholarships na makakapagpa-angat sa kanilang pamumuhay.

Pinakamalaki umano ang bilang ng mga kabataang natulungan ng Alay-Lakad noong 2003 na may 500,000 out-of school youth at sa loob ng 32 taon ay may kabuuan nang pitong milyon ang nabiyayaan ng Alay-Lakad sa tulong na rin ng iba’t ibang non-governmental organizations kabilang na ang Rotary Club International na siyang may pinakamalaking bilang ng participants. (Ellen Fernando)

ALAY LAKAD

ALAY LAKAD FOUNDATION

ALAY-LAKAD

ANGELO REYES

DINKY SOLIMAN

EDGAR AGLIPAY

ELLEN FERNANDO

FRANK EVARISCO

KIWANIS INTERNATIONAL

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with