Ayon sa mga biktima, patuloy ang ginagawang pagre-recruit at pagpapadala umano ng mga Pinay sa Japan ng mga dayuhang sina Tatsuhiko Ogata, pangulo ng OJ Planning Inc., ng Green Building, 2/ F 13-20 Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., Japan at asawang si Junko Ogata, may-ari ng Night Salon Japan sa Takamatsu Bldg., 3/F 2-76 Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., Japan.
Tinitiktikan na rin ng National Bureau of Investigation at Presidential Task Force on Illegal Recruitment na pinamumunuan ni Capt. Reynaldo Jaylo ang VM Promotion & Management Corp. na pag-aari umano ni Virgilio Hipolito na may tanggapan sa No. 375 ABC, 3rd Floor, Ramagi Bldg., 1081 Pedro Gil St., Paco, Maynila na umanoy taga-proseso ng dokumento ng mga biktima upang makakuha ng visa patungong Japan.
Dumarami na ang mga biktimang naghahain ng reklamo sa NBI laban sa mag-asawang Hapon at Hipolito. (Ulat ni Ellen Fernando)