^

Bansa

Agency na nagre-recruit sa Japan, pinapasara

-
Hiniling kahapon ng mga Pinay entertainers sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na agarang ipasara ang isang promotion agency na pag-aari ng mag-asawang Japanese national na nagre-recruit ng mga Pinay na isinasadlak sa prostitusyon sa Japan.

Ayon sa mga biktima, patuloy ang ginagawang pagre-recruit at pagpapadala umano ng mga Pinay sa Japan ng mga dayuhang sina Tatsuhiko Ogata, pangulo ng OJ Planning Inc., ng Green Building, 2/ F 13-20 Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., Japan at asawang si Junko Ogata, may-ari ng Night Salon Japan sa Takamatsu Bldg., 3/F 2-76 Mutsumon-Machi, Kurume City, Fukuoka Pref., Japan.

Tinitiktikan na rin ng National Bureau of Investigation at Presidential Task Force on Illegal Recruitment na pinamumunuan ni Capt. Reynaldo Jaylo ang VM Promotion & Management Corp. na pag-aari umano ni Virgilio Hipolito na may tanggapan sa No. 375 ABC, 3rd Floor, Ramagi Bldg., 1081 Pedro Gil St., Paco, Maynila na umano’y taga-proseso ng dokumento ng mga biktima upang makakuha ng visa patungong Japan.

Dumarami na ang mga biktimang naghahain ng reklamo sa NBI laban sa mag-asawang Hapon at Hipolito. (Ulat ni Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

FUKUOKA PREF

GREEN BUILDING

ILLEGAL RECRUITMENT

JUNKO OGATA

KURUME CITY

MANAGEMENT CORP

MUTSUMON-MACHI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with