Ang mga batang biktima na nagmistulang mga uling dahil sa sobrang pagkasunog ay nakilalang sina Melissa, 9, Grade 2 pupil; John Francis, 4 at Randolf Ilag, 3-anyos.
Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Bienvenido Limbo, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi.
Nabatid na iniwan umano ng mag-asawang Reynaldo at Imelda Ilag ang kanilang pitong anak upang makipanood ng television sa kapitbahay na may 100 metro ang layo sa kanilang bahay.
Sa ulat, nagising na lamang mula sa mahimbing na pagkakatulog ang panganay ng mag-asawang Ilag na si Zairen Joy dahil sa init at nag-aapoy na buong kabahayan ng mga ito.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa yari lamang sa kahoy at pawid kaya agad na inisa-isang ilabas ni Zairen Joy ang kanyang mga kapatid.
Subalit nabigo na niyang isalba pa ang natitirang tatlo nitong kapatid.
Labis-labis naman ang pagsisisi ng mga magulang ng mga bata dahil na rin sa kapabayaan.
May hinala ang pulisya na posibleng natabig ng isang pusa ang de-gaas na ilawan ng mga biktima. Agad namang tumulong si Mayor Ding Villena sa mga naulila. (Ulat ni Tony Sandoval)