^

Bansa

Libreng re-training sa 1,000 security guards

-
Mahigit 1,000 security guards sa Metro Manila ang makikinabang sa libreng re-training sa tulong ng SG Scholars Inc., isang non-stock, non-profit organization, bilang paghahanda sa renewal ng kanilang lisensiya.

Sa layunin na matulungan ang mga blue guards, lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sina Pelly Tablang, vice president at training director ng Heritage Center Training Center sa Makati, ang Trendline sa EDSA, Quezon City at si Hernando Balamban, presidente ng SG Scholars, upang tustusan ang kabuuang training fee ng mga security guards na umabot sa edad na 50.

Layunin din ng nasabing MOA na matulungan ang mga nagkakaedad na security guards na manatili sa kanilang trabaho, kung saan obligado ang re-training.

Ang programang "Share a training for the 50s" ay ilulunsad sa darating na September 11 at October 11 sa Heritage Center Training Center at sa Trendline. Naglaan ng pondo upang tustusan ang muling pagsasanay ng 60 kuwalipikadong sekyu na umabot sa edad na 50 at kailangan nang mag-renew ng lisensiya, batay sa mga regulasyon sa ilalim ng RA 5487.

Para sa inyong katanungan, pumunta sa 3rd floor, Makati Creekside Mail, Amorsolo corner Herrera Sts., Legaspi Village, Makati o tumawag sa 813-1150/815-8349/882-0193; cellphone nos. 0917-8446080.

vuukle comment

HERITAGE CENTER TRAINING CENTER

HERNANDO BALAMBAN

HERRERA STS

LEGASPI VILLAGE

MAKATI

MAKATI CREEKSIDE MAIL

METRO MANILA

PELLY TABLANG

QUEZON CITY

SCHOLARS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with