GMA, 5 beses pang bibiyahe
September 5, 2004 | 12:00am
Matapos ang matagumpay na 3-araw na official visit sa China, lima pang bansa ang bibisitahin ni Pangulong Arroyo bago matapos ang taong ito.
Sa idinaos na Pulong Bayan kahapon sa MRT station, sinabi ng Pangulo na sa mga paglabas niya ng bansa, si Vice President Noli de Castro ang siyang magsisilbing caretaker ng pamahalaan.
Sa Setyembre 9, ang Pangulo kasama si First Gentleman Mike Arroyo ay nakatakdang magtungo sa Brunei para dumalo sa kasal ni Crown Prince al-Muhtadee sa personal na paanyaya ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
Sa susunod na buwan ng Oktubre, ang Presidente ay maglalakbay sa Vietnam at sa Nobyembre ay magtutungo naman siya sa Chile para dumalo sa pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na susundan naman ng pagdalo sa taunang summit ng ASEAN sa Laos.
May nakatakda ring pagbisita ang Pangulo sa Japan bago matapos ang kasalukuyang taon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended