Ito ang sinabi ni NCRPO chief, Police Director Avelino Razon Jr. matapos itong kapanayamin sa programang "Handog na Pag-asa" na mapapakinggan tuwing araw ng Sabado, alas 2-3 ng hapon sa Radyo ng Bayan 738 khz.
Pag-aaralan din kung maaari nilang pasukin at inspeksiyunin ang mga bar na madalas tambayan ng mga kabataan upang masigurong hindi gumamit ng mga iligal na droga ang mga ito.
Ngayong Sabado, kakapanayamin si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, Romy Lescano, dating drug dependent ng Seagulls at Amiel Buenaventura, facility director ng Seagulls Tagaytay. Ibabahagi nina Lescano at Buenaventura ang kanilang karanasan noong panahong lulong pa sila sa droga at kung paano sila nabago matapos na sumailalim sa Seagulls Flight Rehabilitation Center.
Ang "Handog na Pag-asa" ay sa pangunguna ng mga batikang mamamahayag at brodcaster na sina Jim Bilasano; Jerry Yap, kolumnista at director ng National Press Club; Ed Castillo, president ng Seagulls Flight Foundation at Belen Gonong.