^

Bansa

Snatching, holdapan tututukan ng NCRPO

-
Karagdagang puwersa ng kapulisan ang itatalaga ng NCRPO sa mga matataong lugar at university belt upang mabawasan ang mga insidente ng snatching at holdapan.

Ito ang sinabi ni NCRPO chief, Police Director Avelino Razon Jr. matapos itong kapanayamin sa programang "Handog na Pag-asa" na mapapakinggan tuwing araw ng Sabado, alas 2-3 ng hapon sa Radyo ng Bayan 738 khz.

Pag-aaralan din kung maaari nilang pasukin at inspeksiyunin ang mga bar na madalas tambayan ng mga kabataan upang masigurong hindi gumamit ng mga iligal na droga ang mga ito.

Ngayong Sabado, kakapanayamin si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri, Romy Lescano, dating drug dependent ng Seagull’s at Amiel Buenaventura, facility director ng Seagull’s Tagaytay. Ibabahagi nina Lescano at Buenaventura ang kanilang karanasan noong panahong lulong pa sila sa droga at kung paano sila nabago matapos na sumailalim sa Seagull’s Flight Rehabilitation Center.

Ang "Handog na Pag-asa" ay sa pangunguna ng mga batikang mamamahayag at brodcaster na sina Jim Bilasano; Jerry Yap, kolumnista at director ng National Press Club; Ed Castillo, president ng Seagull’s Flight Foundation at Belen Gonong.

AMIEL BUENAVENTURA

BELEN GONONG

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ED CASTILLO

FLIGHT FOUNDATION

FLIGHT REHABILITATION CENTER

HANDOG

JERRY YAP

JIM BILASANO

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with