Palpak na schools binalaan
September 4, 2004 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Samar Rep. Catalino Figueroa sa mga eskuwelahang hindi nakakapagturo ng matino sa kanilang mga estudyante at nagpapabagsak sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa House bill 2269 na isinumite ni Rep. Figueroa, nakasaad dito ang pagbawi ng government recognition at permit to operate sa mga eskuwelahang ang mga estudyante ay nakakapagtala ng zero performance sa anumang professional board exams.
Masyado na aniya ang nagaganap na komersiyalismo sa mga eskuwelahan sa kasalukuyan na siyang nagiging dahilan kaya may mga estudyanteng mahina kahit na sila ay nakapagtapos sa kolehiyo.
Batay sa panukala, babawiin ng pamahalaan ang government recognition at license to operate ng alinmang unibersidad o kolehiyo kapag ang estudyanteng nakapagtapos sa kanila ay bumagsak ng tatlong beses sa magkakasunod na board o bar exams na kanilang kinuha.
Ipapalathala sa mga pangunahing pahayagan ang listahan ng mga maituturing na "worst performing higher learning institutions."
Pero bibigyan ng insentibo at pagkilala ng CHED ang mga eskuwelahang makapagtatala ng "best performance" sa loob ng limang magkakasunod na taon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest