^

Bansa

400-T DepEd employees wala ng OT

-
Bilang pagtugon sa austerity measure na ipinatutupad ng pamahalaan, tinanggalan na ng Department of Education ng overtime ang tinatayang nasa 400,000 empleyado nito.

Ayon sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, bukod sa wala ng overtime ang mga empleyado ng DepEd ay hindi pa umano makukuha ng mga ito ang kanilang 13th month pay sa tamang panahon.

"Sinabihan kaming mga empleyado ng isang opisyal ng DepEd na huwag muna kaming mag-overtime dahil hindi rin kami babayaran dahil nga sa pagtitipid na ipinatutupad ng pamahalaan."

Ang lalong ikinasasama ng loob ng mga empleyado ay ang balitang hindi pa maibibigay sa tamang oras ang kanilang 13th month pay na tanging inaasahan nilang gagastusin sa darating na Pasko.

Sinabi naman ng bagong talagang si DepEd Secretary Florencio Abad na pipilitin niyang makagawa ng paraan upang makahanap ng pondo ang kagawaran para sa mga empleyado nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BILANG

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

EMPLEYADO

PASKO

SECRETARY FLORENCIO ABAD

SINABI

SINABIHAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with