Iminungkahi kahapon ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar ang paggamit ng mga produktong mula sa papel at iba pang materyal na bio-degradable na hindi nakakapinsala sa kapaligiran.
Sinabi ni Villar na ang styrofoam na kadalasang ginagamit sa mga fastfood chains ay hindi totoong ligtas gamitin, ayon sa mga naunang ipinalabas ng mga gumagamit nito.
Nakasaad sa House bill 1462 na ang uri ng polycarbon plastics na ipinagbabawal nang gamitin ay ang polyethylene, polythene, vinyl, polyvinyl, phenolic vinyl, polyurethane, styrofoam at iba pang katulad nito.
Pamumunuan ng Bureau of Product Standard ng DTI at ng research bureau ng DOST ang pagsasagawa ng product testing ng lahat ng plastic na ibebenta at gagamitin sa bansa upang masigurong wala itong kasamang harmful ingredients.
Ang DTI naman ang siyang magtatakda ng criteria na magsisilbing standard for evaluating kung ang mga manufacturers ng mga plastic goods na ito ay nasusunod. (Malou Rongalerios)