Sa isang pahayag, sinabi ni Pichay na lalo lamang lumulubog ang kalagayan ng Pilipinas sa paningin ng mga kapitalista at sa merkado dahil na rin sa paglalagay ng pansin at diin hinggil sa krisis sa pananalapi.
"Enough of the negative things. Lets get to work to address the fiscal crisis while at the same time focus also on the positive developments in the country. With our united effort, we will survive the crisis," ayon sa solon.
Binanggit ni Pichay ang mabungang pagbisita ni Pangulong Arroyo sa China kung saan limang kasunduan ang nakuha ng Pilipinas kabilang na ang P400 milyong pautang para sa proyektong North Rail Transit; kasunduan sa enerhiya, agrikultura at turismo; sama-samang paghahanap ng likas na yaman sa South China Sea, kasama na ang Spratlys; pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal fishing at pagtatanggal sa patakaran hinggil sa pagkuha ng visa ng mga may official at diplomatic passports.
Pinapurihan din ni Pichay ang pagtaas ng ekonomiya bunsod ng kita ng mga OFWs, at ang pamumuhunan sa bansa.