Ayon kay Luciano Caparas, pangulo ng LTODOA at kasalukuyang hepe ng LTO Makati branch, kumbinsido siya na ang Khaos Super Turbo Charger na inimbento ni Pablo Planas ay epektibo bilang instrumento para makatipid ang mga sasakyang de-gasolina.
Nais ni Caparas na magpakabit nito sa kanyang sasakyan at hikayatin ang mga motorista sa Makati City, gayundin ang may 260 hepe ng LTO branch para suportahan ang naturang gadget.
Nakatakda rin itong iendorso ni Caparas sa nalalapit na national convention ng mga LTO chiefs na gaganapin sa Surigao ngayong darating na Setyembre 16.
Bukod sa tipid-gasolina, ang KSTC ni Planas ay isa rin umanong environment friendly at pinaniniwalaang kayang mapababa ang usok ng mga sasakyan.
Ang lungsod ng Makati ay mahigpit sa pagpapatupad laban sa mga smoke-belching na sasakyan bilang bahagi ng environment program ni Mayor Jejomar Binay.
Naniniwala ng LTO official na marami pang sektor ang tatangkilik sa KSTC na malaking karangalan din para sa mga Pinoy.
Simula nang ipatawag ng Malacañang si Planas, dinumog na ang tanggapan ng KSTC (www.khaos.com.ph) sa Presidential Tower sa Timog Avenue at patuloy na tumatanggap na rin ang mga ito ng sunud-sunod na tawag sa tel. nos. 9282173, 4110868, 4487213-14. (Angie dela Cruz)