Sa pagdalo ng Bise Presidente sa 30th National Quran Reading Competition na ginanap sa Davao Convention Center, inihayag nito na magtutulungan ang kanyang tanggapan at Office of Muslim Affairs (OMA) upang magkaroon ng mas madaling access ang mga Muslim na nakatira sa Metro Manila sa judicial services ng Shariah Courts.
Ayon kay de Castro, napakahalaga ng OMA para matugunan ang mga socio-cultural at economic welfare ng mga Muslim kaya nais niyang mabigyan ng malaking suporta ito ng pamahalaang Arroyo.
"I recognize OMAs role in establishing a lasting peace, order and stability through its rehabilitation program for the rebel returnees. This is an essential response to our governments sincere effort to resolve peace and security by healing the prevailing conflict in Mindanao," ani Vice Pres. de Castro.
Naniniwala din ang Bise Presidente na ang pagpapatatag sa democratic process ang magiging mainam na paraan upang malutas ang rebelyon at hindi pagkakaunawaan sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)