^

Bansa

Shariah Court sa Metro Manila isusulong

-
Isusulong ni Vice Pres. Noli de Castro ang pagtatayo ng Shariah Court District sa Metro Manila upang tugunan ang mga pangangailan ng mga Muslim community na nakatira sa Kalakhang Maynila.

Sa pagdalo ng Bise Presidente sa 30th National Qur’an Reading Competition na ginanap sa Davao Convention Center, inihayag nito na magtutulungan ang kanyang tanggapan at Office of Muslim Affairs (OMA) upang magkaroon ng mas madaling access ang mga Muslim na nakatira sa Metro Manila sa judicial services ng Shariah Courts.

Ayon kay de Castro, napakahalaga ng OMA para matugunan ang mga socio-cultural at economic welfare ng mga Muslim kaya nais niyang mabigyan ng malaking suporta ito ng pamahalaang Arroyo.

"I recognize OMA’s role in establishing a lasting peace, order and stability through its rehabilitation program for the rebel returnees. This is an essential response to our government’s sincere effort to resolve peace and security by healing the prevailing conflict in Mindanao," ani Vice Pres. de Castro.

Naniniwala din ang Bise Presidente na ang pagpapatatag sa democratic process ang magiging mainam na paraan upang malutas ang rebelyon at hindi pagkakaunawaan sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BISE PRESIDENTE

DAVAO CONVENTION CENTER

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

MINDANAO

NATIONAL QUR

OFFICE OF MUSLIM AFFAIRS

READING COMPETITION

RUDY ANDAL

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with