Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Aglipay na nadismaya siya nang magsagawa ng inspeksiyon sa ibat ibang police district at makitang nasa loob lamang ng sasakyan ang mga pulis na nagsasagawa ng beat patrols.
Sinabi pa ng opisyal na bagamat maganda na nakikita ang mobile patrols sa mga lansangan, mas maganda umano kung bababa ang mga pulis na sakay nito at tingnan kung ano ang nagyayari sa kanilang areas of concern.
"Kung mananatili sila sa loob ng sasakyan nila ay ibig sabihin hindi nila kaya ang utos ko kaya puwede silang maipadala sa Corregidor para mag-undergo ng retraining," pahayag ni Aglipay.
Wala umanong saysay ang police visibility kung hindi naman approachable ang mga pulis at laging nasa loob ng kanilang mga sasakyan.
Iginiit pa nito, mas madali umanong makaramdam ng pagkaantok ang mga pulis kung nasa loob lamang sila ng sasakyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)