^

Bansa

Patrol cars'wag gawing tambayan

-
Binalaan kahapon ni PNP Chief Director General Edgar Aglipay ang lahat ng kawani ng pambansang pulisya na lumabas sa kani-kanilang patrol cars kung ang mga ito ay nagsasagawa ng beat patrol.

Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Aglipay na nadismaya siya nang magsagawa ng inspeksiyon sa iba’t ibang police district at makitang nasa loob lamang ng sasakyan ang mga pulis na nagsasagawa ng beat patrols.

Sinabi pa ng opisyal na bagama’t maganda na nakikita ang mobile patrols sa mga lansangan, mas maganda umano kung bababa ang mga pulis na sakay nito at tingnan kung ano ang nagyayari sa kanilang areas of concern.

"Kung mananatili sila sa loob ng sasakyan nila ay ibig sabihin hindi nila kaya ang utos ko kaya puwede silang maipadala sa Corregidor para mag-undergo ng retraining," pahayag ni Aglipay.

Wala umanong saysay ang police visibility kung hindi naman approachable ang mga pulis at laging nasa loob ng kanilang mga sasakyan.

Iginiit pa nito, mas madali umanong makaramdam ng pagkaantok ang mga pulis kung nasa loob lamang sila ng sasakyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGLIPAY

ANGIE

BINALAAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

CRUZ

IGINIIT

KUNG

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with