Layunin ng COPPA na tugunan ang pangangailangang kaalaman ng mga OFW sa larangan ng performing arts upang makaiwas sila sa anumang uri ng sexual abuse, homesickness at iba pang suliranin na kanilang posibleng makaharap paglipad nila patungo sa kanilang destinasyon.
Sa ginanap na launching program kahapon sa Heritage Hotel na dinaluhan ni DOLE Usec. Danilo Cruz, nagkaisa ang limang malalaking recruiting agency sa bansa na kinabibilangan ng CALEA, OPA, PASEI, PARADA, FAME at Kaibigan OCWs na ibigay ang kanilang suporta at kooperasyon sa bagong programa ng DOLE at OWWA.
Ang COPPA ay tatampukan ng dalawang araw na Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) para sa mga OPAs na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Japan, Korea, United Kingdom at iba pang bahagi ng Asya. (Ulat ni Mer Layson)