^

Bansa

COPPA,iwas sexual abuse

-
Upang higit na maproteksyunan ang ating mga kababayan na nabibilang sa libo-libong tinatawag na overseas performing artists (OPA) kontra anumang uri ng pang-aabusong sexual ay inilunsad kahapon ng Dep’t of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng limang malalaking recruiting agency sa bansa ang Comprehensive Orientation Program for Overseas Performing Artists (COPPA).

Layunin ng COPPA na tugunan ang pangangailangang kaalaman ng mga OFW sa larangan ng performing arts upang makaiwas sila sa anumang uri ng sexual abuse, homesickness at iba pang suliranin na kanilang posibleng makaharap paglipad nila patungo sa kanilang destinasyon.

Sa ginanap na launching program kahapon sa Heritage Hotel na dinaluhan ni DOLE Usec. Danilo Cruz, nagkaisa ang limang malalaking recruiting agency sa bansa na kinabibilangan ng CALEA, OPA, PASEI, PARADA, FAME at Kaibigan OCW’s na ibigay ang kanilang suporta at kooperasyon sa bagong programa ng DOLE at OWWA.

Ang COPPA ay tatampukan ng dalawang araw na Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) para sa mga OPA’s na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Japan, Korea, United Kingdom at iba pang bahagi ng Asya. (Ulat ni Mer Layson)

ASYA

COMPREHENSIVE ORIENTATION PROGRAM

DANILO CRUZ

HERITAGE HOTEL

LABOR AND EMPLOYMENT

MER LAYSON

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PRE-DEPARTURE ORIENTATION SEMINAR

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with