Base sa kautusan ni Reyes kay bagong PNP chief Edgardo Aglipay, partikular na isasailalim sa imbestigasyon si Provincial Director P/Supt. Elmer Macapagal dahil sa kawalan umano nito ng kakayahan na ipatigil ang naturang sugal sa kanyang nasasakupan.
Ang direktiba ay bunsod ng natanggap na ulat ng kalihim na ang datiy nag-iisang jueteng operator na kilala sa pangalang Elan Nagano ay nadagdagan pa ng dalawa.Maging si Bataan Gov. Enrique Garcia ay muling pinasaringan ng kalihim na askyunan ang usaping ito upang mabura ang espekulasyon na mayroong basbas ito sa paglipana ng illegal na sugal.
Sa nakalap na impormasyon, nagsasagawa ng operasyon ng jueteng sa mga bayan ng Morong, Samal, Orion, Hermosa, Dinalupihan, Balanga, Orani at Pilar. (Ulat ni Doris Franche)