^

Bansa

Jueteng sa Bataan target ng DILG

-
Nagpalabas ng direktiba si DILG Sec. Angelo Reyes sa bagong liderato ng PNP na imbestigahan ang patuloy na pamamayagpag ng jueteng sa lalawigan ng Bataan at hulihin ang itinuturong mga jueteng lord.

Base sa kautusan ni Reyes kay bagong PNP chief Edgardo Aglipay, partikular na isasailalim sa imbestigasyon si Provincial Director P/Supt. Elmer Macapagal dahil sa kawalan umano nito ng kakayahan na ipatigil ang naturang sugal sa kanyang nasasakupan.

Ang direktiba ay bunsod ng natanggap na ulat ng kalihim na ang dati’y nag-iisang jueteng operator na kilala sa pangalang Elan Nagano ay nadagdagan pa ng dalawa.Maging si Bataan Gov. Enrique Garcia ay muling pinasaringan ng kalihim na askyunan ang usaping ito upang mabura ang espekulasyon na mayroong basbas ito sa paglipana ng illegal na sugal.

Sa nakalap na impormasyon, nagsasagawa ng operasyon ng jueteng sa mga bayan ng Morong, Samal, Orion, Hermosa, Dinalupihan, Balanga, Orani at Pilar. (Ulat ni Doris Franche)

ANGELO REYES

BALANGA

BATAAN GOV

DINALUPIHAN

DORIS FRANCHE

EDGARDO AGLIPAY

ELAN NAGANO

ELMER MACAPAGAL

ENRIQUE GARCIA

PROVINCIAL DIRECTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with