^

Bansa

Tigil-pasada nakaamba

-
Sasalubungin ng tigil-pasada ng transport groups sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang Setyembre dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Mar Garvida, pangulo ng PISTON, tuloy na sa susunod na buwan ang kanilang pagkilos dahil sa kawalang-aksiyon ng pamahalaan sa patuloy na oil price hike.

Sinabi ni Garvida na sa pagtatapos ng buwang ito, serye naman ng pag-iingay at protesta ang gagawin sa harapan ng mga gusali ng mga kumpanya ng langis bilang pagkondena sa serye ng oil price increase.

Binigyang-diin nito na wala sana silang hakbang na gagawin para kontrahin ang serye ng oil price hike dahil ang maliliit na mamamayan lamang ang maaapektuhan, subalit hindi naman nabubulabog ang Malacañang sa kanilang hinaing, kaya dapat lamang malawakan ang gawing pagkilos.

Una rito, nagpahayag na rin ng bantang paralisasyon sa operasyon ng mga kasapi ng PCDO-ACTO ni Efren de Luna at FEJODAP ni Zeny Maranan kung magpapatuloy ang pag-isnab ng pamahalaan na mapahinto ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BINIGYANG

CRUZ

EFREN

GARVIDA

MAR GARVIDA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with