Gas irarasyon
August 25, 2004 | 12:00am
Hindi pabor ang ilang mambabatas sa panukala ni Energy Secretary Vince Perez na pagrarasyon ng mga produktong petrolyo bilang bahagi ng pagtitipid sa enerhiya ng gobyerno.
Ayon kay Sen. Ralph Recto, hindi dapat nagpapadalos-dalos si Perez sa kanyang plano bagkus ay dapat sumailalim ito sa masusing pag-aaral upang maiwasan ang kapalpakan kung maisasakatuparan man.
Ganito rin ang pananaw ni House Majority Leader Prospero Nograles na dapat isantabi muna ang nasabing plano at gawin na lamang itong pinakahuling solusyon kung hindi na talaga mapipigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. "That will cause panic, that should be the last resort," ani Nograles.
Habang may iba pa aniyang alternatibong solusyon ang gobyerno para matugunan ang krisis pang-enerhiya ay hindi dapat ipatupad ang pagrarasyon ng gasolina.
Sinabi naman ni Anak Pawis Rep. Crispin Beltran na ang panukala ay nararapat lamang sa isang bansang wala ng pag-asang makabangon.
Ang sambayanang Pilipino rin aniya ang tatamaan sa planong gas rationing at dapat pag-isipang mabuti ang naturang hakbang kung ipapatupad.
Naniniwala si Beltran na magiging walang silbi rin ang panukalang gas rationing kung hindi naman mapapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo at hindi ito magiging accessible para sa mga mahihirap. (Ulat nina Rudy Andal/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest