'Perez inutil na kalihim!' -Drilon
August 24, 2004 | 12:00am
Inakusahan kahapon ni Senate President Franklin Drilon si Energy Sec. Vince Perez na isang inutil at walang silbing miyembro ng Gabinete dahil sa pagiging tameme nito sa sunud-sunod na oil price hike.
Sinabi ni Sen. Drilon, mas naging mapagbantay pa si businessman Jose Concepcion kaysa kay Perez sa gitna ng walang habas na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dapat ay naging trabaho ng energy secretary
Ayon kay Drilon, naging tahimik lamang si Perez at parang takot na takot sa sunud-sunod na oil price hike ng big 3 oil firms.
Sinabi pa ni Drilon, nasa kamay ni Pangulong Arroyo kung dapat niyang muling italaga bilang kalihim ng Department of Energy si Perez na isang walang silbi at inutil na kalihim.
Aniya, hindi lamang simpleng monitoring ang dapat gawin ng DOE kundi dapat tingnan nila kung mayroong nilalabag ang 3 dambuhalang kumpanya ng langis dahil sa pagsasabwatan para itaas ang presyo ng kanilang produkto. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Ludy Bermudo | 18 hours ago
Recommended