Moratorium sa bagong PETCs ipatutupad
August 23, 2004 | 12:00am
Pinakilos kahapon ni Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza si Undersecretary Arturo Valdez at LTO chief Anneli Lontoc kaugnay ng pagpapatupad ng moratorium hinggil sa pagkakaloob ng awtorisasyon para makapag-operate ang mga bagong Private Emission Testing Centers (PETCs) nationwide.
Nais malaman ni Mendoza sa lalong madaling panahon mula kina Valdez at Lontoc kung bakit kinakailangang bawiin ang isang memorandum order na nagpapahintulot sa mga bagong PETCs na makapag-operate.
Ang hakbang ni Mendoza ay bilang tugon sa panawagan ng Private Emission Testing Center Operators Association (PETCOA) na magpatupad muna ng moratorium sa naturang kautusan dahil sa tindi ng kompetisyon sa hanay ng lumobong bilang ng mga PETCs nationwide, kita lamang at hindi ang hangarin ng Clean Air Act ang isinasaalang-alang ng ibang operators nito.
Bunsod umano ng pagdami ng bilang ng mga PETCs, naglipana na rin ang mga pekeng emission compliance certificate. Ito umano ang isang dahilan ng pagkalat pa ng mauusok na sasakyan sa mga lansangan.
Ang naturang sertipikasyon ay isang rekisitos sa pagrerehistro ng sasakyan. Dito nakasaad kung mausok o hindi ang isang sasakyan na irerehistro sa Land Transportation Office (LTO). (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended