^

Bansa

Estudyante patay sa hazing

-
Isang estudyante ang nasawi kahapon ng umaga matapos na maratay ng halos walong araw sa kanilang tahanan makaraang sumailalim ito sa hazing ng fraternity ng kanyang pinapasukang pamantasan sa Goa, Camarines Sur.

Hindi na umabot pang buhay nang isugod dakong alas-11 ng umaga sa St. John Hospital ang biktima na si Jonathan Bombase, 21, binata, first year college ng Partido College at residente ng Brgy. Salugon, San Jose, nasabing lalawigan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, isinagawa ang initiation rites ng mga miyembro ng Eta Eta Chapter ng Alpha Phi Omega Fraternity, nasabing paaralan sa biktima noong Agosto 10 sa Brgy. Sta. Maria, Lagunoy, habang ang final rites ay isinunod nitong Agosto 14 sa isang hindi mabatid na lugar.

Nabatid na halos hindi na makagulapay ang biktima bunga ng matinding pasa na tinamo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan mula sa mga hampas at palo ng nasabing fraternity.

Matapos ito, hindi na rin nagawa pang lumabas ng bahay at makapasok sa klase ang biktima sanhi ng kanyang pagkakaratay ng mahigit isang linggo.

Nakita ng kasambahay ng biktima na nahihirapan na itong huminga kaya napilitan itong isugod sa pagamutan subalit idineklara ng mga manggagamot na dead-on-arrival (DOA).

Nakuha naman ng mga awtoridad ang isang booklet na naglalaman ng mga batas ng Apo Fraternity at nakasaad doon ang pangalan ng isang Christopher de Leon (kapangalan ng sikat na aktor) bilang grand chancellor at isa pang Micheal Zulueta bilang master initiator na hinihinalang mga responsable sa initiation sa biktima.

Sa ipinalabas na autopsy report, lumalabas na matinding mga pasa at palo sa katawan dulot ng isang matigas na bagay ang ikinasawi ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

AGOSTO

ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY

APO FRATERNITY

BIKTIMA

BRGY

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ETA ETA CHAPTER

JONATHAN BOMBASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with