Insurance,retirement benefits sa bgy. captains,mga tanod
August 22, 2004 | 12:00am
Nais ng isang mambabatas na magkaroon ng insurance at retirement benefits ang mga tanod at kapitan ng barangay sa bansa.
Sinabi ni Laguna Rep. Justin Marc Chipeco, awtor ng House Bill Nos. 2275 at 2274 na malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng katahimikan sa mga nasasakupan nilang lugar.
Maaari aniyang maihalintulad ang mga ito sa mga pulis na nasa peligro ang buhay tuwing magro-ronda pero wala namang nakukuhang benepisyo na katulad ng ibinibigay ng gobyerno sa PNP.
Malaking bagay aniya kung mapagkakalooban ng insurance at retirement benefits ang mga tanod at kapitan ng barangay.
Sa ilalim ng HB 2275, ang bawat punong barangay hanggang sa mga tanod na hindi tumatanggap ng sahod o fixed salaries habang naninilbihan sa pamahalaan ay awtomatikong sakop ng insurance benefits sa sandaling maging isang ganap na batas ang panukala.
Sa ilalim naman ng HB 2274, bibigyan din ng retirement benefits ang mga ito sa panahon ng kanilang pagre-retiro o paninilbihan ng siyam na taon pataas.
Maaaring makuha ang lump sum na P5,000 para sa punong barangay, P4,000 sa sangguniang barangay at P2,000 para sa barangay treasurer at secretary. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest