^

Bansa

Mendoza suportado ng Petcoa sa pananatili sa DOTC

-
Nakakuha ng kakampi si Dep’t of Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza mula sa pamunuan ng Private Emission Testing Center Operators Association (Petcoa) para manatili ito sa tungkulin.

Sinabi ni Petcoa president Antonio Halili, nararapat lamang na manatili sa kanyang posisyon si Mendoza sa DOTC dahil sa pag-prayoridad sa kapakanan ng publiko sa pamamagitan ng paglilinis ng hangin mula sa usok ng mga sasakyan alinsunod sa implementasyon ng Clean Air Act ng pamahalaan.

Mabilisan din umanong nareresolba ni Mendoza ang problema ng transport sector at ng kanilang hanay sa pamamagitan ng paghahanap ng mga solusyon sa usapin sa pagtaas ng halaga ng gasoline at pagwawalis sa mga tiwaling emission testing operators nationwide. Isang tulad ni Mendoza ang dapat manatili sa puwesto dahil ito ay may puso para sa kapakanan ng taongbayan.

Sa hanay ng mga Gabinete ni Pangulong Arroyo, si Mendoza ay isa sa mga hindi tinamaan ng rigodon dahil kumpiyansa naman ang huli sa performance ng naturang kalihim. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANTONIO HALILI

CLEAN AIR ACT

CRUZ

GABINETE

ISANG

MENDOZA

PANGULONG ARROYO

PETCOA

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER OPERATORS ASSOCIATION

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with