^

Bansa

Martinez sinungaling ! -Tita Cory Marcos ang utak sa 'Ninoy'

-
"Malaking kasinungalingan ang ibinunyag ng akusadong si Pablo Martinez!"

Ito ang inihayag kahapon ni dating Pangulong Corazon Aquino sa ginanap na misa sa pagkamatay ng asawa nitong si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino.

Sa misa na ginanap sa Manila Memorial Center, sinabi ng dating pangulo na pawang hearsay at kasinungalingan ang ibinunyag ni Martinez na ang kanyang pinsan na si ex-Ambassador Danding Cojuangco ang utak sa pagpapa-assassin kay Ninoy at hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nagpapatay sa kanyang asawa.

Sinabi ni ex-Pres. Cory na malabo umanong magawa ito ni Danding dahil noong panahon na pinatay ang dating senador ay si Marcos ang pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas kaya maaari umanong nililigaw lamang ni Martinez ang mga mamamayan at ang batas sa pagtuturo kay Danding na siyang utak sa nabanggit na kaso.

Inihalimbawa din ng dating Pangulong Aquino ang kaso ni dating US President John F. Kennedy kung saan hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolbahan ang kaso nito, kaya hindi rin umano nakapagtataka na ang kaso ni Ninoy ay wala pa rin magandang resulta.

Sa kabila ng ipinahayag ng dating pangulo ay malaki naman ang paniniwala ng kapatid ni Ninoy na si Butch Aquino na si Danding ang utak sa pagpatay dito. Pinagbasehan ni Butch ang pagiging malapit ni Danding kay Marcos noong panahong iyon kaya maaaring may katotohanan ang ibinunyag ni Martinez.

Aniya, malaki ang takot ng mga tauhan ni Marcos kung si Ninoy ang papalit na pangulo kaya hindi imposible ang mga naging pahayag ni Martinez.

Samantala, sinabi naman ng isang mahistrado sa Korte Suprema na di nagpabanggit ng pangalan na malabong mabuksan muli ang nasabing kaso dahil na rin sa pawang hearsay o sabi-sabi na lamang ang mga bagong ebidensiyang hawak ngayon ng Public Attorney’s Office (PAO).

Sinabi ng nabanggit na source na sa kabila ng pagtuturo ni Martinez na sangkot sa nabanggit na kaso sina Capt. Felipe Valerio, Col. Romeo Ochoco at Herminio Gosueco ay hindi pa rin maisasailalim ang mga ito sa muling paglilitis hindi lamang sa wala ang mga ito sa bansa kundi dahil wala pa naman hurisdiksiyon ang korte sa mga ito.

Hindi rin aniya mapipilit na bumalik sa bansa kung sakaling matunton ang kanilang bansang kinaroroonan dahil malalabag ang karapatan ng mga ito sa lugar na naisin nilang panatilihan.

Mas malaki ang posibilidad na paso na o lampas na sa takdang panahon o prescriptive period na inilaan ng batas upang masampahan muli ng kaso ang mga ito.

Sa ilalim ng Article 90 ng Revised Penal Code, ang mga kasong may katumbas na parusang habambuhay na pagkakabilanggo at bitay ay maaari lamang isampa sa loob ng 20-taon mula ng maganap ang krimen.

Sa kasong double murder ng dating senador ay lumampas na ito sa nabanggit na prescriptive period dahil naganap ang pag-assassin noong 1983 o 21-taon na ang nakaraan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AMBASSADOR DANDING COJUANGCO

BUTCH AQUINO

DATING

FELIPE VALERIO

HERMINIO GOSUECO

KASO

NINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with