^

Bansa

Whistleblower babayaran na

-
Malaking pabuya ang maaaring matanggap ng mga ‘whistleblowers’ na katulad ni Sen. Panfilo Lacson na nagbunyag ng kontrobersiyal na "Jose Pidal" sakaling maging isang ganap na batas ang panukalang inihain ni Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo na naglalayong mabigyan ng pabuya at proteksiyon sa batas ang mga taong nagbubunyag ng katiwalian sa gobyerno.

Sa House Bill 2388 na inihain ni Rep. Arroyo, nais nitong bigyan ng reward na mula P10,000 hanggang P10 milyon ang taong tutulong sa pamahalaan sa kampanya nito laban sa katiwalian.

Tatawaging ‘Philippine Informants Act of 2004’ ang panukala na magbibigay ng sapat na ngipin laban sa graft and corruption.

Nararapat lamang aniya na bigyan ng pagpapahalaga ang partisipasyon ng publiko sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay at pangangalaga sa kanilang kaligtasan.

Idinagdag nito na tanging sa Pilipinas lamang walang batas na nagbibigay pagpapahalaga sa mga taong nagtuturo kung sino ang gumagawa ng katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Sa kanyang panukala, hindi maaaring balikan o gantihan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga impormante o whistleblowers na magbubunyag ng mga katiwalian sa gobyerno.

Ituturing na ‘public officers and employees’ ng gobyerno na maaaring masangkot sa mga katiwalian ang mga may permanente o temporary positions, classified or unclassified positions, at mga taong tumanggap ng posisyon kahit wala silang tinatanggap na sahod. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

IDINAGDAG

ITUTURING

JOSE PIDAL

JUAN MIGUEL

MALOU RONGALERIOS

PAMPANGA REP

PANFILO LACSON

PHILIPPINE INFORMANTS ACT

SA HOUSE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with