^

Bansa

Tawa ibawal !

-
Hiniling ni Senator Manuel "Lito" Lapid sa Senado na ipagbawal ang pagtawa sa loob ng sesyon dahil nakaka-insulto ito sa mga mambabatas.

Ginawa ni Sen. Lapid ang kahilingan matapos mapansin nito na mayroong mga tumatawa sa loob ng session hall lalo na kapag pumapasok na ang mga mambabatas sa sesyon.

Pinuna din ni Lapid ang pagkakaroon ng mga debatehan sa sesyon kung saan ay inilarawan nitong walang ipinagkaiba sa pelikula ang mga eksena dito.

"Para din tayong nasa pelikula may bida at kontrabida. Saka sana bigyan kami ng kopya ng mga privilege speech para malaman naman namin partikular ng mga bagong senador ang kanilang mga sinasabi," hinaing pa ng tinaguriang Leon Guerrero sa pelikulang Pilipino.

Tumayo si Lapid sa kalagitnaan ng mainitang debate kaugnay sa pagpapalawig ng sesyon ng Senado mula sa 3 araw na trabaho ay gawing 5 araw.

Nagpasa rin siya ng kauna-unahang panukalang batas na humihiling na ideklarang buwan ng Wikang Pambansa ang Agosto bilang pagkilala sa ama ng Wikang Pambansa na si dating Pangulong Manuel L. Quezon. Si Lapid ang kauna-unahang nagsampa ng panukala sa wikang Tagalog.

Magugunita na naging sentro ng atensiyon si Lapid sa pangalawang araw ng sesyon ng 1st regular session ng Mataas na Kapulungan dahil sa pagsusuot nito ng itim na barong.

Pinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson ang dating gobernador ng Pampanga na magpalit ng puting Barong Tagalog o Amerikana upang hindi siya mapuna ni Senate President Franklin Drilon na mahigpit sa dress code.

Pinansin din ni Sen. Joker Arroyo ang kasuotang itim ni Lapid kung saan ay tinawag siyang "Batman" kaya napilitan itong magpalit ng barong para hindi masita sa sesyon. (Ulat ni Rudy Andal)

BARONG TAGALOG

JOKER ARROYO

LAPID

LEON GUERRERO

PANFILO LACSON

PANGULONG MANUEL L

RUDY ANDAL

SENADO

WIKANG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with